Franchise Stories

Aral Mula sa 35 Years: 7 Bagay na Sana Alam Ko Noong Nagsisimula Ako sa Negosyo

By Butz Bartolome ·

Aral Mula sa 35 Years: 7 Bagay na Sana Alam Ko Noong Nagsisimula Ako sa Negosyo - Coach Butz Bartolome, The Franguru

Nagsimula ako sa franchising noong 1991. Dalawang taon pagkatapos, noong 1993, ni-register ko ang GMB Franchise Developers. Ngayon, 35 years later, daan-daang negosyante na ang natulungan naming mag-franchise at lumago.

Pero kung babalikan ko ang sarili ko noong nagsisimula pa lang, ito ang pitong bagay na sasabihin ko sa kanya.

1. Ang benta ay hindi pa kita.

Maraming busy na tindahan ang lugi. Bilangin mo ang natira pagkatapos ng lahat ng gastos, hindi lang ang pumasok.

2. Ang sistema ang nagpapalaya sa’yo.

Kung ikaw lang ang marunong, ikaw lang ang hindi makakapagpahinga. Isulat ang proseso. Ituro. Ulitin.

3. Hindi lahat ng pagkakataon ay para sa’yo.

Natuto akong tumanggi sa mga deal na mukhang maganda pero hindi tugma sa direksyon namin. Ang “no” ay kasing-halaga ng “yes.”

4. Mahalaga ang tamang tao, higit pa sa tamang lugar.

Maganda ang location, pero kung mali ang tao na nagpapatakbo, walang mangyayari. Pumili nang mabuti ng tauhan, partner at franchisee.

5. Ang pangalan mo ay puhunan.

Sa 35 years, ang pinakamalaking asset ko ay hindi pera kundi tiwala. Isang pangakong hindi natupad ay mas mahal pa sa kahit anong lugi.

6. Mag-aral habambuhay.

Noong 2004, nag-organisa kami ng libreng franchise seminars para sa MSMEs kasama ang DTI. Natuto rin ako sa bawat tanong ng mga dumalo. Hanggang ngayon, natututo pa rin ako sa bawat kliyente.

Franchise seminar speakers in 2004, with Coach Butz Bartolome, The Franguru

7. Ang negosyo ay para sa pamilya, hindi kapalit ng pamilya.

Lumalago ang negosyo para magkaroon ka ng oras, hindi para mawalan nito. Kung ang negosyo mo ay hindi ka pinapayagang umuwi, may kailangan nang ayusin.

Ang tanong para sa’yo

Kahit gaano ka na katagal sa negosyo, may natututunan ka pa rin. Ano ang isang aral na sana alam mo noong nagsisimula ka? I-share mo sa comments, baka makatulong ka sa isang nagsisimula pa lang.

Si Coach Butz Bartolome, The Franguru, ay founder ng GMB Franchise Developers (since 1993) at may 35 years na karanasan sa franchising.

#Franguru #NegosyoTips #35Years #FranchisePH